Kumpirmadong patay ang dalawang indibidwal matapos sumiklab ang sunog sa Fairview, Quezon City.
Bukod dito, may dalawa pang sugatan sa insidente.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog kaninang alas-dos ng madaling araw at naapula naman matapos ang isang oras.
Sa ngayon, inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
Samantala, batay sa huling impormasyon ng Philippine National Police (PNP), ang mga labi ng biktima ay nailabas na mula sa nasunog na bahay.