Dalawa sa apat na bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud close contact ng naunang nagpositibo sa sakit

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng labing limang (15) bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Apat dito ay mula sa bayan ng Basud kaya’t sumampa na sa mahigit 70 ang naitatalang kaso ng sakit sa naturang bayan na mayroon ngayong 17 aktibong kaso.

Dalawa naman sa bagong kaso ay close contact ng naunang nagpositibo sa sakit.

Si Bicol No 16376 ay isang 21 anyos na lalake at Bicol No 16377, 63 anyos na lalake, negosyante ay kapwa nagmula sa Barangay Poblacion 1.

Ang dalawa na parehong asymptomatic ay close contact ni Bicol No 15284.

Si Bicol No 16364 naman ay isang 66 anyos na babae mula sa Barangay Mandazo. Una itong nakaranas ng sintomas noong June 17, walang travel history at “unknown” ang history of exposure.

Habang si Bicol No 16369 naman ay isang 14 anyos na babae mula sa Barangay San Felipe. Mayroon itong travel history sa Legazpi City na unang nakaranas ng sintomas noong June 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *