Dalawang aktibista, arestado sa serye ng raid sa Bicol

Inaresto ng mga otoridad ang dalawang aktibista kasunod ng serye ng mga raid sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol noong Linggo.

Naaresto ng pulisya ang Anakbayan member na si Maria Jesusa Sta. Rosa, at Bayan-Bicol secretary-general Pastor Dan Balucio dahil sa ilegal na armas at pampasabog na tinatago umano ng mga ito.

Nahuli si Sta. Rosa sa Naga City, Camarines Sur habang si Balucio naman ang naaresto sa Sto. Domingo, Albay.

Sinalakay rin ng pulisya ang isang bahay sa Daraga, Albay para arestuhin ang college student na si Justine Mesias, na nagsisilbi bilang Bicol spokesperson ng Youth Act Now Against Tyranny.

Gayunman, wala sa lugar si Mesias nang magsagawa ng raid ang mga pulis sa lugar.

Ayon sa PNP, nakumpiska nila ang isang baril, mga bala, at dalawang granada mula sa bahay ni Sta. Rosa.

Nanindigan naman ang kampo ni Sta. Rosa na tinanim umano ng mga pulis ang mga nakitang baril at pampasabog sa kanyang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.