Dalawang bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nakapagtala na naman ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte pagkaraan ng  dalawang linggo.

Batay sa datos ng Provincial Health Office na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco nitong Huwebes, April 20, dalawa ngayon ang aktibong kaso na nagmula sa Talisay at Vinzons.

Dahil dito pumalo na sa 4,645 ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan simula noong 2020.

Mula Enero hanggang April 20 nitong taon pitong kaso ang naitala.

Pinakamaraming kaso ng COVID- 19 sa lalawigan noong 2021 na may 3,019.

Noong 2022 ay mayroong 1,470 ang naitala habang 149 naman noong 2020.

Umaabot naman sa 4,367 o 94.02% ang gumaling sa sakit habang 276 naman ang nasawi o 5.94 %.

Dahil naman sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon,  nag abiso ang Department of Health patungkol sa kahalagahan ng pagsusuri ng panganib sa bawat aktibidad at lugar na pupuntahan.

Hinihikayat pa rin ang pagsuot ng face masks lalo na sa matatao at kulob na lugar.

Kapansin-pansin naman ngayon ang hindi na pagsusuot ng face mask ng mga tao sa public transport kahit mandatory pa ito.

Bukod sa public transport mandatory pa rin ang pagsususot ng face mask sa mga ospital at health clinic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *