Dalawang bagong mga miyembro ng Gabinete ni President-elect Bongbong Marcos, pinangalanan

Kinumpirma na ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos ang mga mamumuno sa Bureau of Internal Revenue at sa National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

Sa isang pahayag, sinabi ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles na ni-nominate bilang susunod na BIR commissioner si dating BIR Deputy Commissioner Lilia Guillermo.

Si Guillermo ay kasalukuyang assistant governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas na namumuno sa mga digital innovation projects sa central bank.

Ayon kay Angeles, malaki ang maitutulong sa IT background ni Guillermo sa pamumuno nito sa tax-collecting agency ng estado.

Mayroon din aniya itong halos apat na dekadang karanasan bilang BIR officials.

Pinangalanan din si Atty Jun Lumagui, dating regional investigation division chief sa East Metro Manila bialng susunod na BIR Deputy Commissioner for Operations.

Samantala, itatalaga naman si dating PNP Deputy Fir. Gen. Ricardo de Leon bilang susunod na NICA Director.

Si de Leon ay kasalukuyang Philippine Public Safety College President.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *