Dalawang bata patay sa pagbangga ng bus sa isang day care center sa Montreal

Patay ang dalawang bata matapos na ragasain ng isang bus ang day care center malapit sa Montreal.

Agad namang naaresto ng mga pulis ang driver ng bus na sinasabing sinadya nitong banggain ang day care center.

Kaugnay nito, aminado ang pulisya na hindi pa natutukoy ang motibo ng driver sa pagbangga sa day care center bagamat natuklasan na wala namang dating criminal record ang suspect.

Napag-alaman na ligtas na din ang anim pang bata na dinala sa ospital matapos na masaktan sa insidente.

Nagpaabot ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kasabay ng pagsasabing hindi nila ma-imagine ang sakit na nararamdaman ng mga magulang pero sinisiguro niyang anuman ang puwedeng maitulong ng gobyerno ay kanilang maaasahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *