Dalawang bayan sa Camarines Norte mababa pa sa 70 % ang COVID- 19 vaccination coverage

CAMARINES NORTE- Dalawang bayan na lang sa Camarines Norte ang mababa pa sa 70 percent ang COVID- 19 vaccination coverage.

Batay ito sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang kaninang alas 6 umaga.

Ang bayan ng Paracale ang may pinakamababang vaccination coverage sa buong lalawigan na mayroon pa lang 66. 5 percent.

Sa target population na 44, 045 nasa 29, 272 pa lang ang nakakatanggap ng first dose at 24, 357 0 55. 3 percent naman ang fully vaccinated.

Nasa 1, 859 naman o o 4. 2 percent ang nakatanggap na ng unang booster shot.

Sa senior citizen nasa 2, 889 ang nabakunahan sa target na 4, 738 o katumbas ng 61 percent.

Ang bayan naman ng Sta Elena ay mayroong 20, 890 nabakunahan sa target na  30, 375 o 68. 8  percent.

Nasa 19, 742 ang fully vaccinated na o 65 percent habang 1, 610 naman o  5. 3 percent  ang nakatanggap ng booster shot.

Mababa pang masyado ang vaccination coverage sa senior citizen sa naturang bayan na nasa 1, 760 o 53. 8 percent sa target na  3, 270.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *