Dalawang itinuturong kasabwat na bumaril at pumatay sa isang Barangay Kapitan sa Taal, Batangas, arestado na ng PNP

Arestado na ng mga awtoridad ang dalawang itinuturong kasabwat na bumaril at pumatay kay Bgy Captain Erasmo Divino Hernandez sa Taal , Batangas.

Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP PIO Chgief PCol. Jean Fajardo, na sinampahan na rin ang dalawa ng kasong obstruction of justice.

Naaresto ang dalawang kasabwat na suspek matapos ang isinagawang follow up operations ng pulisya sa tulong na rin ng mga CCTV sa lugar.

Doon, nakita kung saan dinala ng mga suspek ang kanilang mga ginamit noong araw na mangyari ang krimen gaya ng motorsiklo, helmet ang mga damit na kanilang suot

Samantala, nagpapatuloy pa ang follow up operations upang matunton ang kinaroroonan ng riding in tandem suspects habang inaalam pa ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *