SORSOGON CITY – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng PNP at Phil. Army ang dalawang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na siyang taga-kulekta umano ng extortion money ng kanilang hukbo.
Ang mga suspek na sina Annie Roluna Castillo, 47-anyos, naninirahan sa Brgy Gabao, Irosin at Ruel Golpeo Llaner, 43-anyos, residente ng Brgy Taromata, Bulan ay nadakip sa Brgy Panganiban sa bayan ng Gubat, Sorsogon.
Batay sa ulat, naisumbong ng mga mamamayan ang umano’y walang habas na pangingikil ng mga suspek kung kaya’t ikinasa ang operasyon dito ng puwersa ng Sorsogon 1st Provl Mobile Force Company, Collection Team 1 (COLT 1) ng 31 Infantry Battalion at ng 504th Regl Mobile Force Battalion.
Nasabat ng mga operatiba ang dalawang suspek matapos na makapag-endorso ito ng pera sa Brgy San Ramon, Barcelona, Sorsogon sa isang Jun Jesarsa alias Ka Kumang.
Nakumpiska kay Castillo ang isang hand grenade habang si Llanera ay nakuhaan ng kalibre 45 na pistola, dalawang magasin kung saan bawat isa ay kargado ng 7 bala.
Si Castillo umano ay miyembro ng Larangan 2, KomProb 3, BRPC habang si Llanera ay miyembro ng Rebulusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBKU), KomProb 3.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9516 o kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog si Castillo habang si Llanera ay sinampahan ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Nasa kustudiya ng Gubat MPS ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.
PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…