Dalawang korte ng QC RTC, ibinasura ang dalawang kasong isinamapa laban sa dating TV host na si Jay Sonza

Ibinasura ng dalawang korte ng Quezon City Regional trial Court ang dalawang kasong isinampa laban sa dating TV host na si Jay Sonza.

Di-nismiss ng QC RTC Branches 100 reklamong Syndicated at Large Scale Illegal Recruitment laban kay Sonza.

Ayon sa korte, bigo raw na humarap ang mga complainants sa mga pagdinig na ipinatawag.

Samantala, sa QC branch 215 ay dinismissed probationally ang Estafa na isinampa laban sa kanya.

Gayunman hindi pa makakalabas ng Quezon City Jail si Sonza dahil may panibagong commitment order na ipinalabas ang QC RTC Branch 77 kaugnay ng kasong libel na isinampa laban sa kanya.

May sampung libong pisong piyansa na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa BJMP, bukas daw ay nakatakdang basahan ng sakdal korte si Sonza sa pamamagitan ng video teleconferencing at pagkatapos nito ay posibleng makapaghain ng piyansa ang dating TV host at makalabas ng kulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *