Dalawang lalaki tinambangan sa Maguindanao del Sur, patay!

Wasak ang ulo ng dalawang lalaki nang tambangan sila kahapon sa bahagi ng Barangay Datu Kilay, bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.


Sa report mula sa Maguindanao del Sur PPO, sakay ang mga biktima ng isang Light Blue na Suzuki Multicab at patungo sana ito sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao del Sur.

Ngunit ng makarating sila sa naturang lugar, bigla silang pinaputukan sa ulo ng mga gunmen. Kinilala ang isa sa mga nasawing biktima na si Rashied Lumanggal residente ng Mirab, Upi, Maguindanao Norte habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, narekober sa sasakyan ng mga biktima ang isang Armscor 1911 pistol na may magazine at walong bala.

Bukod sa baril, nakuhanan ang mga biktima ng isang jumbo sized sachet ng suspected shabu.

Tinutukoy ngayon ng kapulisan ang motibo ng mga posibleng salarin sa insidente. (Roy Holgado)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *