Dalawang lasing na riders na pasaway, arestado sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon

Arestado ang dalawang lasing na riders na nagpasaway sa mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon.

Unang inaresto sa bayan ng Casiguran si Zaldy Beltran Haboc, 40-anyos, may asawa, construction worker at naninirahan sa Brgy Somal-ot ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, naflagged-down ng mga personahe ng Casiguran Police ang tatlong suspek dahil sumusuray-suray ang mga ito sa daan habang lulan ng motorsiklo, wala rin suot na mga helmet ang mga ito at ang driver ay walang dalang lisensya at OR/CR.

Ang tatlo ay pawang mga nasa impluwensya ng alak at nang sitahin ay sinigawan at pinagsalitaan ng hindi maganda umano ng backrider na si Haboc ang sumitang pulis. Nang aarestuhin na ay nanlaban ito subalit napasuko din ng mga pulis.

Sa Brgy Pangpang, West District lungsod ng Sorsogon naman ay nanuntok ng pulis ang lasing na si Junnel Jardin Haveria, 32-anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng nasabing barangay.

Sinita naman ito ng isang Police Corporal, na nakabase sa Casiguran MPS subalit residente ng parehong lugar, dahil sa pagpapatakbo nito ng motorsiklo ng napakabilis.

Hinabol ito ng pulis at nang maabutan ay nagpakilala ang pulis subalit bigla umanong sinuntok nito ang sumitang pulis.

Nagtamo ng pinsala ang pulis kung kaya’t tumawag ito ng back-up at dito na naaresto ang suspek.

Nabatid na nasa impluwensya ito ng alak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *