Dalawang LPA, binabantayan sa bansa

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan sa bansa, at makaaapekto ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa ilang mga lalawigan at rehiyon.

Humina na ang unang LPA na natagpuan ang Timogsilangan ng Davao City.

Huling namataan naman ang ikalawang sama ng panahon sa layong 740 kilometro Silangan ng Davao City.

Magdadala ang trough ng LPA ng mahina hanggang katamtaman na kung minsa’y malakas na mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga.

Sa ganitong lagay ng panahon, asahan na ang mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na mabababang lugar.

Ayon sa PAGASA, sa kabila ng pananalasa ng LPA, mababa ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang mga ito sa mga susunod na araw.

Samantala, makaaapekto naman ang Amihan sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang naturang weather system ang magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, at Ilocos Norte.

Bukod dito ay makararanas ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahihinang mga pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dala pa rin ng Amihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *