Dalawang malaking proyekto sa Olongapo, target na maumpisahan ngayong Marso

Target na maumpisahan sa buwan ng Marso ang konstruksyon ng dalawa sa pinakamalalaking infrastructure projects sa Olongapo ngayong taon.

Ito ay ang home for the aged at ang mental health facility na ang pinagsamang pondo mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan ay aabutin ng mahigit 50-million pesos.

Ayon kay City Engr. Bobby Alvarez, tapos nang gawin ng opisina ang design para sa itatayong pasilidad at may inaasahan ng pondo ang city government para dito.

Tiniyak naman ni Mayor Lenj Paulino na isusunod na ang bidding pasa sa mga proyektong ito na itatayo sa Brgy.New Cabalan at East Bajac-Bajac.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *