Binisita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 ang dalawang malalaking salt farms sa Bulacan.
Kabilang sa mga pinuntahan ni BFAR Regional Dir. Wilfredo Cruz nakalipas na linggo ang 80-ektarya salt farm sa San Nicolas, Bulakan at 18-ektarya sa Wawang Namayan, Malolos.
Ito ay bahagi ng isinasagawang profiling at assessment ng bureau para masuportahan ang industriya ng pag-aasin.
Matatandaan na kamakailan ay una nang pinuntahan ng opisyal ang mga salt farms sa iba’t ibang bayan sa Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BFAR Central Luzon
