Dalawang mastermind sa Lapid slay case, kabilang sa mga kakasuhan sa Lunes

Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na posibleng dalawang mga mastermind ang posibleng mapabilang sa mga kasong masasampahan ng Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at ang pagkamatay ng middleman sa kaso na si Jun Villamor.

Sa isang panayam, sinabi ng Kalihim na unti-unti nang nabibigyan ng liwanag ang pagpatay kay Lapid.

Kaugnay nito, kinumpirma na rin umano ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagde-deposit ng P550,000 sa account ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Ang perang ito ang sinasabing kabayaran kay Escorial kapalit ng pagpatay kay Lapid.

Ayon kay Remulla – ang kabuoang halaga na ito ay magkakahiwalay na idi-neposit sa loob ng tatlong linggo.

Posible rin umanong may iba-ibang mga tao ang nag-deposit ng pera.

Sa araw ng Lunes ay inaasahang maihahain na ng PNP at ng NBI ang mga naturang reklamo.

Bago ito, una nang sinabi ni SoJ Remulla na mayroong mga malalaking personalidad na posibleng persons of interest sa kaso.

Hindi pa rin kinumpirma o di-neny ng Kalihim kung kabilang si suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag sa mga sangkot sa krimen.

Samantala, ngayong araw ay iniuwi na sa Leyte ang mga labi ng sinasabing middleman sa krimen na si Jun Villamor.
#

RELATED STORIES:

Suspended BuCor chief Bantag, tinukoy bilang mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid

Inmate, ikinanta ang nag-utos at paano pinatay ang ‘middleman’ sa Percy Lapid slay case

Fortun, handang depensahan ang autopsy findings sa ‘middleman’ ng Lapid slay case

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *