Dalawang rider, patay; Backrider, sugatan sa salpukan sa Candelaria, Quezon

Patay ang dalawang lalaking nagmamaneho noon ng motorsiklo matapos magsalpukan ang mga ito sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo, Abril 9.

Kinilala ang mga nasawi na sina Boyet Marquez, residente ng Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon, at si Ardy Medina, 49-wnyos, residente ng Payatas, Quezon City.

Ayon sa report, habang binabagtas noon ng motorsiklo na minamaneho ni Marquez ang direksyon ng timog, patungo naman sa Tiaong, Quezon si Medina, nang biglang inokupa nito ang opposite lane na nagresulta sa salpukan ng mga ito.

Dahil dito, nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang parehong rider kung kaya agad na isinugod ang mga ito sa hospital ngunit parehas ring idineklarang dead on arrival.

Samantala, nasugatan naman ang backrider noon ni Marquez na si Manuel Paña Jr., 39-anyos.

Dagdag pa sa ulat, idineklara na ng mga kapulisan na sarado na ang naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *