Napabilang ang dalawang Sorsoganon sa Regional Winners ng 2023 Search for Oustanding Government Workers ng Civil Service Commission (CSC).
Sila ay sina Roel Masangkay, isang Mechanical Plant Operator ng National Food Authority (NFA) Sorsogon at Sorsogon City Mayor Ma. Ester Hamor.
Ang Dangal ng Bayan Award ay iginagawad sa mga indibidwal na may natatanging ambag sa larangan ng serbisyo publiko alinsunod sa RA No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Matatandaan na naging nominado rin si Masangkay sa Presidential Lingkod Bayan Award. Sa katunayan, siya ay nag- iisang nominee para sa nasabing kategorya sa Bicol.
Ang Presidential Lingkod Bayan Award naman ay iginagawad sa indibidwal o grupo na may natatanging kontribusyon sa lipunan na may malaking ambag sa pangkalahatan o pangnasyonal na pag- unlad.
Kabilang rin sa Outstanding Public officials and Employees o Dangal ng Bayan Awad Regional Winners ay sina Police Major Louie Ordoñez Jr ng Camaligan Municipal Police Station sa Camarines Sur, Dennis Colar, Teacher II ng DepEd Tabaco City at Rex Bernardo, Disability Affairs Officer III ng Provincial Government ng Camarines Norte.
