Dalawang suspek na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero, tukoy na ng PNP-CIDG

Hawak na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang karagdagang mga ebidensya na inaasahang makapagbibigay-linaw sa pagkawala ng dose-dosenang mga sabungero noong nakaraang taon.

Ayon kay CIDG director P/BGen. Ronald Lee, nasa kamay na nila ang isang ‘secret cellphone video’ na kung saan ay makikita ang pagdukot sa isa sa 34 na mga nawawalang sabungero na si Michael Bautista.

Nangyari umano ito noong Abril 2021 sa Sta Cruz sa Laguna.

Positibo namang tinukoy ng mga kaanak ni Bautista ang pagkakakilanlan nito.

Kinukumpirma na rin ng PNP-CIDG ang pagkakakilanlan ng dalawang mga suspek na nakita sa video.

Sa ngayon, inatasan na ang regional unit ng CIDG sa Calabarzon para kuhaan ng pahayag ang mga kaanak ni Bautista; habang nakikipagtulungan na rin sila sa Anti-Cybercrime Unit para ma-verify ang identity ng dalawang mga suspek na nakuhaan sa naturang video.

Matatandaaang nitong Marso nang sampahan ng kaso ang walong mga pinaniniwalaang nasa likod ng mga missing sabungeros, at iba pang mga ‘john does’.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *