Dalawang waiter sa isang restaurant sa Tokyo, mga unggoy

KAMANGHA-MANGHA ang isang restaurant sa Utsunomiya Tokyo dahil imbes na tao, unggoy ang dalawa sa mga waiter nila dito.

Ang restaurant na ito ay isang traditional style japanese “sake house” na  tinatawag na Kayabukiya Restaurant ayon sa may- ari na si Kaoru Otsuka ang kanyang dalawang alagang unggoy na sina Yat-chan at Fuku-chan ay hindi niya tinuruan ginaya lamang umano siya ng mga ito at nagulat na lamang siya na ang dalawa ay mabilis na natuto.

Dagdag pa ni Otsuka na ang kanilang trabaho ay magserve ng inumin sa mga customers kinukuha nila ang inumin sa freezers habang si Fuku ay naka toka sa pamamahagi ng towel sa mga customers.

Napatunayan ng nasabing restaurant na mali ang stereotype na pag-iisip ng mga tao sa mga unggoy dahil sila ay uri ng mga hayop na  karapat dapat din pagkatiwalaan at arugain. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *