Dallas pinahiya ang Phoenix sa sariling home court sa Game 7

Pinulbos ng Dallas Mavericks ang Phoenix Suns sa sarili nitong home court sa do-or-die Game 7 ng Western Conference semi-final series, 123-90.

Maagang uminit si Luka Doncic na tila naging mitsa para sumunod din ang iba pa niyang teammates at angkinin ang panalo.

Umabot pa sa 46 puntos ang naging lamang ng Dallas sa pangunguna ni Doncic na may 35 points at 10 rebounds.

Dinagdagan naman ito nina Spencer Dinwiddie na 30 points at Jalen Brunson na nagtala ng 24 points.

Samantala dahil sa matinding depensa ng Mavs, nalimitahan ang combo ng Suns na sina Devin Booker sa 11 points at Chris Paul na mayroon lamang 10 points.

Sunod na haharapin ng Dallas ang championship caliber team na Golden State Warriors sa Western Conference Finals na magsisimula sa Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *