Dambuhalang pagi na may bigat na 300 kilograms, nahuli sa Cambodia

Cambodia– Isang mangingisda ang binigyan ng pabuya na nagkakahalagang $600 ng Wonders of Mekong Project sa Stung Treng, Northeastern, Cambodia dahil sa pagbigay impormasyon tungkol sa nahuling dambuhalang pagi.

Ikinagulat ng isang mangingisda sa Mekong River noong Hunyo 13 ng makahuli ng isang dambuhalang pagi na may habang 13 pulgada at  may300 kilo ang bigat kaya agaran naman itong tumawag sa Wonders of Mekong Project na isang Research Project.

Sa sobrang laki ng isda, kinagiliwan ito ng mga residenteng malapit sa Mekong River at pinaniniwalaang ito umano ang pinakamalaking pagi sa buong mundo ayon sa mga Scientist.

Sa panayam sa nakahuli na si Zeb Hogan, sinabi nitong siya ay namangha sa laki ng pagi dahil hindi niya rin umano inaasahan na mayroon naninirahan sa Mekong River na ganun kalaking pagi na muling nagbigay ng pag asa sa kabila ng maraming environmental challenges na kinakaharap ng nasabing ilog.

Dagdag pa rito, dahil nahuli ang naturang isda noong kabilugan ng buwan, pinangalangan itong ”Boramy” na mula sa salitang Khmer na ibig sabihin ay “full moon”.

Samantala, matapos suriin ng mga Wonders of Mekong Project muli naman itong pinakawalan sa Mekong River at nilagyan na lamang ng mga aparato ang ang nasabing ilog ng upang ma-monitor ang galaw ng pagi.### BERLYN VILLACRUZ, BNFM Bicol Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published.