Dami ng tubig na ipinapalabas sa spillway gate ng Magat dam, binawasan

Binawasan ng isang metro ang opening ng spillway gate ng Magat Dam mula sa dating 2-meter opening nito simula kahapon, October 12, 2021.

Dahil dito ay bumaba sa 183 cms ang dami ng tubig na ipinapalabas mula sa naturang dam.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Acting Division Manager ng NIA MARIIS DRD, ito ay dahil humuhupa na ang tubig na pumapasok sa naturang dam simula pa kahapon.

Ayon pa sa kaniya, sa ngayon ay mababa rin ang certainty na magkakaroon muli ng weather disturbance.

Gayunman, nasa monitoring stage pa rin sila at wala pang eksaktong araw o oras na isasara ang nakabukas na gate ng dam.

Sa ngayon ang water elevation ng Magat Dam ay 189.89 msl, ang inflow ay 803.59 cms at ang outflow ay 453.83cms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *