Dani Barreto, nagsisisi sa pag post ng video ni Alex Gonzaga na nagpahid ng cake icing sa isang server

Nagsisisi umano si Dani Barretto sa pag-post ng video ni Alex Gonzaga na nagpahid ng cake icing sa isang server

Ito ang unang pagkakataon na hinarap ni Dani, ang anak ni Marjorie Barretto ang issue sa loob ng mahigit isang linggo.

Sa isang panayam , sinabi niyang “Of course, I do have regrets kasi nakasakit ako ng tao,” “Siyempre, wala sa intensyon kong masakit lalo na on her birthday.”

Sinabi ni Dani na humingi siya ng tawad kay Alex sa sandaling kumalat ang video na parang wildfire online kahit na-delete na ito.

Ayon kay Dani, maaayos ang relasyon nila Alex at ipinanawagan na mag move on na sa issue na ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *