Nagbabalik si Danny Ildefonso sa PBA at maglalaro para sa Converge FiberXers bilang local player ayon sa social media post ni Coach Aldin Ayo.
Ang 46-anyos na si Ildefonso, na mula noon ay bumaling sa coaching at bahagi ng staff ni Aldin Ayo sa Converge, ay isusuot ang pamilyar na No. 10 sa crucial tiff at inaasahang mapapatatag ang kanilang puwesto sa top four.

Kilala si Ildefonso sa paglalaro sa San Miguel Beer, nanalo ng walong kampeonato at naging MVP noong 2000 at 2001.
Isa rin siya sa 5 times Best Player of the Conference at tatlong beses na nakuha ang Finals MVP.//CA