Danyos ng fish kill sa Lake Sebu, nasa P 15-M na; pagdeklara ng state of calamity, inirerekomenda

KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 15 million ang danyos ng nagpapatuloy na fish kill o kamahong sa bayan ng Lake Sebu.

Ayon kay Lake Warden Rudy Muyco na apektado ng fish kill ang nasa 500 mga fish cage operators sa Barangay Poblacion, Bacdulong at Takunel.

Inihayag ni Muyco na 200 tonelada na ng mga patay tilapia ang kanilang nakukuha o nasa 200,000 kilos mula sa mahigit 4,000 na mga fish cages

Kabilang sa tinitingnan sanhi ng fish kill ang pabago-bagong panahon at siksikan na mga fish cages na nagresulta sa pagbaba ng oxygen level sa lawa.

Nakaapekto din sa pagbaba ng oxygen level ang pagdami ng water lilies.

Samantala, inihayag ni Muyco na may mga bahagi na ng lake na maituturing na ‘partially dead’ at ‘totally dead’.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang emergency harvest sa mga natitirang buhay na tilapia at retrieval sa mga patay na isda.

Bagsak presyo na rin ang bentahan ng tilapia sa Lake Sebu na nasa P 30 hanggang P 60 per kilo na lamang at negotiable pa.

Inirerekomenda na ang pagsasailalim sa bayan ng Lake Sebu sa State of Calamity at isinusulong din ang pagpapatupad ng moratorium sa lake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *