Danyos sa agrikultura at imprastuktura na dulot ng masamang panahon, pumalo sa P1.02B

Lomobo sa P1.02-B ang danyos sa agrikultura at impratuktura na dulot ng pinagsamang epekto ng umiiral na shear line, northeast monsoon (amihan), at ang naunang low pressure areas (LPAs).

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang naturang mga masamang panahon ay nagdulot ng P751,967,912.63 na halaga ng danyos sa agrikultura habang   P276,797,224.68 naman sa imprastuktura.

Sa agriculture sector, pinakaapektado ang Caraga (Region 13) sa P126 million, sinundan ng Cagayan Valley (Region 2) sa P99.86 million na danyos; Western Visayas (Region 6) sa P74.87 million; Northern Mindanao (Region 10) sa P67.40 million; at Davao Region (Region 11) sa P25.1 million.

Sa infrastructure loss naman, ang pinakamataas ay nasa P201 million sa Mimaropa, kung saan saklaw ang mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, na sinundan ng Northern Mindanao sa P44.63 million loss; Davao Region sa P25.36 million; at Soccsksargen (Region 12) sa P5.1 million.

Samantala, pumalo sa mahigit 1.9 million indibidwal ang apektado sa masamang panahon at 92,118 pa sa kanila ay nananatili sa 358 evacuation centers sa 14 na mga apektadong rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *