Dapat handa ang ating pamahalaan sa mga posibleng matitinding kalamidad – PHIVOLCS

Iginiit ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Chief Renato Solidum na dapat handa ang ating pamahalaan sa posibleng banta ng matitinding kalamidad katulad na lamang sa nangyaring pagputok ng Taal noong 1965.

Aniya, kahit anong alert level pa ang ilagay sa bulkan ay posible pa rin ang maliliit na pagsabog kaya naman patuloy ang kanilang pagmo-monitor sa mga aktibidad ng Taal.

Sinabi din ni Solidum na hindi katulad ng ibang bulkan ang Taal dahil kahit kalmado na ito matapos ang pagsabog ay may posibilidad pa din itong magbuga ng magma.

Samantala, dapat umanong magkaroon ng long-term development plan para sa mga nakatira sa paligid ng Taal upang maiwasan ang malalaking trahedya kung posibleng mangyari ang worst case eruption.

Sa ngayon ay mahigit 5,800 na mga naninirahan doon ang kinakailangang ilikas ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *