DAR at NIA, nagbahagi P15M irigasyon sa Occidental Mindoro

Batangas City –

Pinakikinabangan na ng nasa dalawampu’t walong Agrarian Reform Beneficiaries mula Sablayan, Occidental Mindoro ang proyektong Solar-Powered Irrigation System ng National Irrigation System at Department of Agrarian Reform MIMAROPA.

Ayon naman kay Irrigation Development Officer Vivian Dimzon ng NIA Occidental Mindoro, ang pondo ng proyektong ito ay mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng DAR.

Nagkakahalaga ang proyektong ito ng labing limang milyong piso, na binubuo ng tatlong bahagi at unang bahagi nito ay ang patubig sa 38.9 ektarya ng lupain sa Barangay Paetan at Tagumpay.

Kaugnay nito, may dati na rin umanong irrigation system sa ilang mga lugar sa Sablayan, ngunit hindi lahat ng lugar ay naabot ng patubig dahil sa matataas na ang kinalalagyan ng mga ito.

Samantala, para naman sa ikalawa at ikatlong bahagi ng proyekto ay naghihintay na lamang sila ng karagdagang pondo, kung saan papakinabangan din ito ng ilang mga barangay sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *