DAR MIMAROPA, Top Perfomer sa rehiyon  Land Tenure Services

Batangas City –

Sa katatapos lang na Kapihan sa Bagong Pilipinas noong June 25, 2024 sa Calapan City, Oriental Mindoro, ibinida nila na nangunguna pa rin bilang top performing region sa bansa ang Department of Agrarian Reform MIMAROPA, pagdating sa Land Tenure Security Program sa nakalipas na dalawang taon.

Ang Land Tenure Security Program ay bahagi ng mga programa ng DAR, kung saan sinisiguro na ang mga magsasaka ay makakatanggap ng tenurial security para sa mga lupang kanilang sinasakahan.

Matatandaan na noong nakaraang taon, ang lalawigan ng Occidental Mindoro at Palawan ang pinarangalan bilang Top Provinces, sa ilalim ng land tenure dahil maraming pribadong lupain dito ang matagumpay na naipamahagi sa mga benepisyaryo ng Agrarian Reform.

Kabilang din sa mga tagumpay ng departamento ay ang pag bibigay ng Certificate of Land Ownership Award sa mga magsasaka sa Sablayan, na matagal nang naninirahan sa lupaing dating pag-aari ng isang pribadong kumpanya.

Nabatid na umabot sa tatlong daan at tatlumpu’ng mga magsasaka ang nakatanggap ng CLOA, na ipinagkaloob noong June 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *