Daraga Mayor Vic Perete nabakunahan na sa COVID-19

BNFM BICOL—Naturukan na rin ng COVID-19 vaccine ang alkalde ng Daraga, Albay na si Mayor Victor Perete.

Anya, paraan nya ito upang mahikayat ang mga Daragueño na magpabakuna na rin lalo ngayong nagpapatuloy ang vaccination rollout para sa mga nasa A2 priority list o ang mga senior citizens.

Kinumpirma rin nito na Astrazeneca ang ginamit sa kanyang bakuna. Wala rin itong naranasang side effect.

Paniniguro ng opisyal, walang masamang epekto ang bakuna at sa halip ay kailangan ito upang maproteksyunan ang katawan kontra sa malalang epekto ng COVID-19.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga senior citizen at iba pang nasa frontline sectors sa bayan ng Daraga kaya patuloy din ang paghikayat ng alkalde na magpatala na upang makasama sa vaccination.

Mababatid na maliban kay Perete, ilang alkalde na rin sa Albay ang naturukan ng COVID-19 vaccine gaya nina Mayor Noel Rosal ng Legazpi at Mayor Caloy Baldo ng Camalig.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *