Dating Albay Gov. Rosal, nanawagan sa SC na suriing mabuti ang naging decision ng COMELEC

LEGAZPI CITY – “Suriing mabuti ang naging decision ng COMELEC en banc”.

Ito ang naging panawagan ni dating Albay Governor Noel Rosal sa isinagawang press conference kahapon, Mayo 10, 2023.

Kasunod ito ng pagdiskwalipika ng komisyon sa kanyang asawa na si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na ngayon ay pinabababa na, dahil mayroon ng ibinabang Certificate of Finality at Entry of Judgement ang COMELEC.

Sinabi pa ng dating gobernador, ang desisyong ito ng komisyon ay nakakagulo lamang sa lunsod.

Hindi umano ito kapani-paniwala at katanggap-tanggap lalo na sa mga residente ng Legazpi City na ang uupo at papalit sa pagkaalkalde ay ang siyang natalo sa eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *