Dating bise alkalde ng San Fernando Masbate, nagpasaklolo na sa PNP-AKG para mahanap ang anak na babae na mahigit dalawang linggo nang nawawala

Naghain na ng missing person report ang dating vice mayor ng San Fernando, Masbate na si Karla Bunan sa PNP Anti-Kidnapping Group sa Taguig City para mahanap ang anak na babae nito na si Veronicka ‘Nicka’ Bunan Romualdez na mahigit dalawang linggo nang nawawala.

Si Nicka ay asawa ni House of Representative Consultant John Lorenz ‘Jolo’ Romuladez, malapit na kamag-anak ng mga Marcoses.

Ayon sa salaysay sa PNP-AKG ng pamilya ni Nicka, umalis umano ito sa tinutuluyang condo unit sa Bonifacio Global City noong Pebrero20 upang makipagkita sa hiniwalaynag asawa sa isang hotel sa Paranaque.

Nakita sa CCTV footage na dumating ang mag-asawa sa nasabing hotel at kinabukasan ay magkahiwalay na umalis pero nauna umano si Jolo Romualdez at nakitang papunta naman sa basement si Nicka at ito na rin ang huling kita sa kanya sa CCTV footage.

Ayon pa kay Bunan, si Nicka ay ilang buwan nang hiwalay sa kanyang asawa.

Sa kaugnay na balita, simula nang naiulat na ‘missing’ si Nicka Bunan Romuladez ay kumalat ang isang leaked footage ng pananakit ni Jolo Romualdez sa kanyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *