Dating Board Member Muriel Pandi dumalo na sa session ng Sangguniang Bayan ng Labo matapos i-endorso ng Gobernador bilang kapalit sa nabakanteng posisyon

CAMARINES NORTE- Naging kabahagi na ng 20th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Labo si dating Board Member at ngayon ay Konsehal na ng Labo, Muriel Pandi matapos i-endorso ni Gob. Edgardo Tallado ng PDP LABAN bilang kapalit sa nabakanteng posisyon sa Sangguniang Bayan.

Labis naman ang pasasalamat ni Pandi matapos bigyan ng tsansa na makagawa daw siya at makapagsulong ng batas at para sa kapakanan ng mga Laboenio at para sa higit na kaunlaran ng kanilang bayan.

Nagpapasalamat din si Pandi kay Gob. Tallado dahil sa pagtitiwala sa kanya bilang pinakabagong miyembro ng Sangguniang Bayan,  magtatrabaho din daw ito ng taos sa puso para sa kapakanan ng Laboeno at ng Bayan ng Labo.

Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Kon. Muriel Pandi kahapon sa kauna-unahan niyang pagdalo sa Session.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *