Dating BuCor OIC Ragos, minaliit ang video evidence ni ex-SoJ Aguirre

Nanindigan ang kampo ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos na walang bearing ang ipinresentang video ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre.

Kamakalawa nang isapubliko ni Aguirre ang ginawang paghahain ng testimonya ni Ragos sa isang abugado ng Public Attorneys’ Office (PAO) kung saan ay ipinakikitang malaya itong nagbigay ng salaysay.

Ayon sa abugado ni Ragos na si Atty. Michael de Castro – ang tangi lang daw pinatunayan ng video na ito ay kinausap talaga si Ragos ng isang PAO lawyer at wala nang iba pa.

Hindi umano nito pinatutuyang walang coercion at hindi rin pinasisinungalingan ang laman ng recantation ni Ragos na pinilit lamang siya ni Aguirre.

Para mapatunayan ang salaysay ng dating Justice Secretary, dapat umanong ipakita na nag-waive ng Miranda rights si Ragos.

Matatandaaang kahapon – nang magharap si Ragos at si dating senadora Leila de Lima sa labas ng courtroom ay humingi ito ng paumanhin para sa kanyang ginawang pagdidiin sa dating mambabatas sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
#

RELATED STORIES:

Ex-SoJ Aguirre, dumating sa DoJ para pasinungalingan si dating BuCor OIC Ragos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *