Dating COMELEC Commisioner George Garcia, itinalaga na bilang chairperson ng poll body

Pormal nang itinalaga si dating Commission on Elections commissioner George Erwin Garcia bilang susunod na chairperson ng poll body.

Sa ilalim ng liham na ipinadala ng Palasyo sa Commission on Appointments, inirekumenda ng MalacaƱang ang ad interim apointment ni Garcia sa COMELEC.

Matatandaaang si Garcia ang madalas na humaharap sa mga press briefings at mga interviews sa kasagsagan ng 2022 national elections.

Nitong Hunyo nang ma-technically bypassed ito ng CA dahil sa kakulangan ng quorum.

Maliban kay Garcia, ilan sa mga hindi nakumpirma ng CA ay sina dating COMELEC chairperson Saidamen Pangarungan, at dating commissioner Aimee Neri.

Ang tatlong mga poll officials ay unang na-appoint sa ilalim ng Duterte administration.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *