Dating DFA Sec. Locsin, tinalagang Special Envoy of the President to China

Itinalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns.

Ayon kay Presidential Communications Office Chief Cheloy Velicaria-Garafil, ang pagtalaga kay Locsin Jr. ay layuning mapabuti ang ugnayan ng Tsina at Pilipinas.

Ang pag-appoint ng presidente ay isinagawa sa gitna ng tumataas na tensyon sa West Philippine Sea matapos salakayin ng Chinese Coast Guard ang mga Filipino vessels gamit ang water cannon sa Ayungin Shoal.

Kasalukuyang Philippine Ambassador to the United Kingdom si Locsin, at nanilbihang kalihim ng Department of Foreign Affairs administrasyong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *