Dating Fil-Am actor David Bunevacz, hinatulan ng 210 buwan na pagkakakulong sa US

Hinatulan ng korte sa California si dating Fil-Am actor at decathlete David Bunevacz, ng 210 buwan o mahigit 17 taon na pagkakakulong, dahil sa isang bilang ng wire fraud at isang bilang ng securities fraud.

Si Bunevacz, na 53-anyos mula sa Calabasas, California, ay pinagbabayad din ni US District Judge Dale S. Fischer ng $35,267,851 bilang restitution dahil sa pang-iiscam sa nasa 100  investors sa mga business entities na kanyang itinayo gaya ng CB Holding Group Corp. at Caesarbrutus LLC.

Batay sa mga dokumento, sinasabing nakalikom ito ng mahigit 45 million dollars mula sa kanyang investors sa kanyang mga kumpanya na nagbebenta ng vape pens na may cannabis products tulad ng CBD oil at THC.

Pero sa gitna nito, ginamit umano ni Bunevacz ang malaking porsyento ng nasabing halaga para suportahan ang magarbong pamumuhay tulad nang pagbili ng luxurious na bahay sa Calabasas, California, mamahaling bags, kabayo, pag-biyahe sa Las Vegas at maging paggastos sa maluhong party ng kanyang anak.

Ayon kay Fischer, hindi itinigil ni Bunevacz ang kanyang scheme kahit pa under probation para sa state court conviction.

Ang dating Fil Am actor ay naaresto nuong April 5 at nakipag kasundo sa Korte noong July 2022 matapos maghain ng guilty plea sa tig-isang count ng securities at wire fraud na kapwa may statutory maximum penalty ng 20 taong pagkakakulong. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *