Sumailalim sa angioplasty at nagpapalakas na ngayon si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na sumailalim sa medical procedure ang ina nitong Linggo, sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Ayon kay Sen. Imee, matagumpay ang isinagawang angioplasty procedure, at makakauwi na ito ngayong Linggo.
Ang dating unang ginang ay mag-94 year old na sa buwan ng Hulyo.//