Dating Gilas members, nagbunyi sa pagkapanalo ng Pilipinas kontra South Korea

Ipinagdiwang ng mga dating miyembro ng Gilas Pilipinas ang pagkapanalo ng national basketball team ng bansa kontra South Korea sa pamamagitan ng isang Twitter party kagabi.

Ito ay matapos ang nail-biting victory ng Gilas laban sa bitter rival nito na South Korea sa score na 81-78, kung saan ay karamihan ng players ng Pilipinas ay binubuo ng mga batang manlalaro na nanggaling sa collegiate basketball leagues.

Pinuri ni Gilas veteran at ng dating team captain na si Gabe Norwood ang buong kuponan na nakapag-secure na ng ticket para sa FIBA Asia Cup.

Sinabi ni Norwood na proud ito sa mga batang manlalaro na nagsikap ng husto sa court.

Ipinunto ni Norwood na ginamit ni Coach Tab Baldwin at ng kuponan sa tama ang oras nito sa preparasyon.

Samantala, hinangaan naman ni Thirdy Ravena, na naglaro sa first window ng qualifiers, sa game-winning shot ni SJ Belangel.

Hindi rin naitago ni dating Gilas head coach Chot Reyes ang tuwa nito habang patuloy na tini-tweet ang mga pangyayari sa buong laro.

Inihayag naman ni Barangay Ginebra San Miguel at 2019 Southeast Asian Games Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na fans na lang ang kulang matapos magwagi ng Gilas.

Nagbiro naman ang mga dating Gilas players na sina Kiefer Ravena at LA Tenorio matapos mapansin na karamihan ng Gilas line-up ay binubuo ng mga basketbolista na mula sa kanilang alma mater na Ateneo de Manila University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *