Dating Gov Raul Lee inaresto; naka-hospital arrest – PNP

Hinainan ng kanyang warrant of arrest ang dating gobernador ng lalawigan habang naka-confined ito sa Sorsogon Provl Hospital.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News sa PNP, sa provincial hospital na umano nila inihain ang warrant of arrest kay dating gobernador Raul Rodrigueza Lee, 82-anyos, residente ng Brgy Bibincahan Sorsogon City.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Efren Dela Cruz, Chairperson 1st Division Sandiganbayan, QC sa kasong paglabag sa section 3(e) at (g) ng RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may petsang Enero 26, 2023 na walang nakalakip o nakasaad na piyansa.

Magkasanib na tauhan ng CIDG Sorsogon PFU, bilang lead unit, SCPS at 7 pang units ng PNP ang naghain sa dating gobernador ng kanyang warrant of arrest.

Kung babalikan, noong taong 2021, nang hatulan ng apat na bilang ng graft ng anti-graft court Sandiganbayan ang dating gobernador kaugnay sa P723M fertilizer fund scam.

Si Lee ang unang opisyal na kinasuhan sa scam noong 2011, dawit din sa scam ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inutusan noon ng korte si Lee na ibalik sa gobyerno ang P2.591M.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *