Dating kumandidato sa pagka-alkalde at manugang nito – patay sa pamamaril sa Basilan

Lamitan City – Patay ang natalong Kandidato sa pagka -Alkalde sa bayan ng Akbar sa Probinsiya ng Basilan, Matapos itong pagbabarilin ng di kilalang suspek sa Barangay Matibay sa Lungsod ng Lamitan sa nabanggit na Probinsiya.

Ang nasawing biktima ay kinilala na si Hadji Ujuran Gapur, Si Gapur ang katunggali ni Akbar Incumbent Mayor Sali Ali , ngunit natalo si Gapur noong nagdaang eleksyon

Si Gapur ay nagtamo ng sugat sa kanyang katawan at agad itong isinugod sa pagamutan ngunit , dahil sa matindi ng tama nf bala sa katawan nasawi ang biktima.

At dakong alas 10 kagabi binaril din umano ng mga di kilalang salarin ang manugang ni Gapur sa may Sitio Tinambakan, Barangay Maganda sa Lungsod ng Lamitan sa Probinsiya mg Basilan.

Ang nasawing biktima ay kinilala na si Wilbert Lao residente ng Barangay Matibay.

Nangyyari umano ang insidente habang papauwi ang biktima galing sa libing ng kanyang Father in-law at ng malapit ito sa Lamitan City Police Station ng bigla itong tinabangan ng mga di kilalang suspek.

Samantala ang Lamitan City Police Station ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing pamamaslang sa dalawang biktima upang malaman kung sino ang nasa likod ng insidente at kung ano ang motibo sa krimen. (KATHRINA ANIÑON)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *