Dating LTFRB executive assistant Jeff Tumbado, ‘no show’ sa subpoena ng NBI

Hindi humarap si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive assistant Jeff Tumbado sa subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y kaugnay sa imbestigasyon ng umano’y korupsyon sa LTFRB.

Ayon kay NBI Anti-Graft Division Chief Atty. Olga Gonzales, wala silang kakayahang magpatupad ng contempt order laban kay Tumbado.

Nilinaw naman agad ni Gonzales na may ginagawang hakbang ang ahensya hinggil sa hindi pagsipot ng nasabing dating opisyal.

Samantala, kinumpirma naman ng kampo ni Tumabdo na bukas ay dadalo sila sa pagdinig ng mababang kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *