Dating NTF vs COVID-19 adviser, tinabla ang planong pagluluwag sa border restrictions

Naniniwala si UP-PGH Emergency Medicine Professor and chairperson Dr. Ted Herbosa na masiyado pang ‘risky’ kung magluluwag ng mga restriksyon sa mga entry at exit points sa bansa.

Kahapon, sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na lumutang na ang suhestyong magluwag sa border restrictions at pinag-aaralan na ito ng Inter-Agency Task Force.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni dating NTF vs COVID-19 adviser na oras na magluwag sa mga restrictions, maaaring makapasok ng bansa ang iba pang mga variants ng nakahahawang virus.

Mas mataas aniya ang tiyansa na ma-infect ang isang indibidwal lalo na kung hindi pa sila nahahawaan ng variant na ito.

Sa kabila nito, nainiwala si Herbosa na sakali mang ituloy ito ng IATF, hindi naman basta-basta sisipa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.