Dating Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na

Pumanaw na si dating Pangulong Benigno Aquino III sa edad na 61 anyos.

Ito ang kinumpirma ng sources na malalapit sa pamilya ng dating presidente.

Unang isinugod si Aquino, sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Dumating sa ospital kaninang alas 9 ng umaga ang kanyang kapatid na aktres na si Kris Aquino.

Nakita rin sa ospital sina dating Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras at dating senador Mar Roxas, party-mate ni Aquino sa Liberal Party.

Mababatid na si dating pangulong Noynoy ay anak ni dating pangulong Corazon Aquino at napatay na senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Naging tahimik si Aquino mula sa mata ng publiko nang bumaba ito sa pwesto limang taon na ang nakalipas.

Kilala ang dating presidente bilang smoker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *