Nagbigay ng special pardon si South Korean President Yoon Suk-yeol kay dating Pangulong Lee Myung-bak, na nahatulan ng katiwalian at iba pang mga kaso.
Si Lee, 81, na naging presidente mula 2008 hanggang 2013, ay nagsisilbi ng 17-taong sentensiya dahil sa katiwalian, paglustay at panunuhol mula noong 2018.
Nabigyan ng pardon si Lee dahil sa kniyang humihinang kalusugan matapos na sumailalim sa ilang medical treatment.
Ang pardon ay magiging epektibo ngayong araw ng Miyerkules at nakatakda na ring kanselahin ang natitirang 15 taong pagkakakulong nito.//CA