Nag-momotor, pinagbabaril patay sa Tantangan, SoCot

KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY ngayon ang imbestigasyon ng Tantanga PNP sa nangyaring pamamaril, Miyerkules ng gabi sa Purok Paglaum, Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal, PLt. RenJun Bagaman, acting OIC Chief of Police ng Tantangan PNP, kinilala nito ang biktima na si Randy Joblo Aliperio, single, nasa legal na edad at residente ng Barangay Talihik, Surallah, South Cotabato.

Ayon kay Bagaman, nahaharap na sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga noong 2016 ang biktima. Dahil dito, isa ang pagkasangkot nito sa illegal na droga sa mga anggulong kanilang tinututukan sa krimen.

Sakay umano ang biktima ng motorsiklo papunta sa direksiyon ng Tacurong City nang pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa mga residente sa lugar, dalawang putok ng baril ang kanilang narinig at ngunit wala umanong nakakita sa suspek sa krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pangangalap ng impormasyon ng Tantangan PNP upang makilala ang suspek at masampahan ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *