Dating prexy spox, tinutulan ang planong pag-cover ng bloggers sa Palasyo

Hindi pabor si dating presidential spokesperson Edwin Lacierda sa binabalak ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles na bigyan ng accreditation ang mga bloggers sa Malacañang.

Sa isang pahayag, hinikayat ni Lacierda ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps na magsailta hinggil sa pag-accredit sa mga ito.

Naniniwala kasi ang dating tagapagsalita ng Palasyo na posibleng ma-‘supress’ ang mga miyembro ng mainstrem media dahil mapupuno na ng mga vloggers ang Malacañang.

Sa hiwalay naman na pahayag ng MPC, tumanggi na muna itong magkumento sa ipinapanukalang bagong polisiya ng incoming PCOO secretary.

Matatandaang kahapon nang imungkahi ni Angeles ang accreditation ng mga vloggers para makapag-cover sa mga pulong balitaan sa palasyo lalo na ang mga briefings na pangungunahan ni President-elect Bongbong Marcos.

Si Angeles ay isa ring vlogger sa Page na ‘Luminous’ at naging social media consultant noon sa PCOO.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *