Dating Prime Minister ng Pakistan, inaresto sa kasong “graft and corruption”

INARESTO dahil sa kasong korapsyon ang dating Prime Minister ng Pakistan na si Imran Khan. 

Batay sa report, nahaharap sa multiple corruption charges ang dating punong ministro na kasalukuyang nakapiit sa  Islamabad. 

Pinangunahan ng paramilitary troops ang pag –aresto  sa dating opisyal matapos na  ilabas  ng National Accountability  Bureau ang resulta ng  imbestigasyon kung saan napag-alamang ‘guilty’ umano ito laban sa  mga isinampang kaso sakanya na may kaugnayan sa ‘graft and corruption.’

Samantala, nanindigan naman si Khan sa pamamagitan ng  pre-recorded statement na “incorrect charges” ang ipinupukol sakanyang mga kaso  at iligal ang ginawang pag aresto sakanya.

Pinabulaanan din nito ang lahat ng mga paratang sakanya at sinasabing sinusunod niya umano ang batas.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *