National

Dating pulis na sangkot sa pagpatay 2 teenager, hinatulan ng korte ng  hanggang 40 taong pagkakakulong

Hinatulan ng Navotas Regional Trial Court Branch 287 ang na-dismiss na pulis na si Jefrey Sumbo Perez ng reclusion perpetua, o hanggang 40 taong pagkakakulong para sa pagpatay noong 2017 sa mga teenager na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman sa ilalim ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa kopya ng dispositive portion ng desisyon ng korte, inutusan si Perez na bayaran ang pamilya nina Arnaiz at De Guzman ng daan-daang libong halaga ng danyos.

Nawala sina Arnaiz at De Guzman noong August 17, 2017. Ang bangkay ni Arnaiz ay natagpuan noong August 28 sa isang funeral parlor sa Caloocan City na may ilang mga tama ng baril.

Natagpuan naman ang bangkay ni De Guzman makalipas ang isang buwan sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija na may 25 saksak.

Noong November 2022, hinatulang guilty ng korte sa Caloocan si Perez at two terms ng panghabambuhay na pagkakakulong ng pagpapahirap kay Arnaiz at De Guzman, at sa pagtatanim ng mga plastic sachet ng marijuana, shabu at isang revolver para lumabas na lumaban si Arnaiz sa pag-aresto.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago